
Ang pagkakaroon ng uniporme ay isang Malaking Obligasyon para sa mga Estudyante Ang pagsuot nito ay isa sa mga alituntunin o batas ng paaralan o unibersidad bilang pagpapakita ng pagiging maayos at disiplinado sa paaralan.
Maging ito ay isang tradisyonal na kasuotan hindi lamang upang makilala ang paaralan kundi ito din ang nag-uudyok upang maihanda ang sarili at isipan sa pag-aaral. Subalit sa kahalagan ng uniporme ay mayroon paring mga estudyante hindi pinapahalagahan ang pagsuot ng uniporme .Sa panahon ngayon maraming mga paaralan hindi masyadong mahigpit sa pagpapasuot ng uniporme sa kanilang mga estudyante, kaya marami ring mga estudyanteng hindi isinusuot ng wasto ang kanilang uniporme sa kadahilanan nilang walang sapat na uniporme, walang pera paggawa ng uniporme, pambili o pambayad ng ID, sapatos at sa kadahilanang sadyang hindi nila gusto ang pagsuot ng uniporme.
ππΎπΈ ππΈππβπβ
β’Maipapaalam sa mga estudyante na ang pagsuot ng uniporme ay mahalaga bilang isang mag-aaral.
β’Ito ay pagpapakita ng respeto sa paaralan bilang isang Institusyon para sa pagkatuto.
β’Maiparating sa mga estudyante na mas pormal at maayos ang pagsuot ng estudyante ng uniporme.

Ang pagsuot ng uniporme ay maaring makabawas ng karahasan at pagnanakaw. pagkat pinipigilan nito ang mga miyembro ng mga gang na magsuot ng mga kulay at insignia ng gang sa paaralan, itaguyod ang disiplina, kaayusan, kapayapaan ng mga estudyante. Mahalaga ang kaalaman tungkol sa mga fraternity at gang upang mas madaling makapag pasiya ang mga mag-aaral sa kanilang pag-iwas na mapabilang sa ganitong mga pangkat na may masamang gawain.
Isa sa pinakamadaling obserbasyon sa isang tao ay mula sa kanyang kasuotan(Pete 4). At ang isang tao, nakakakuha ito ng naiilang impormasyon sa iba base sa kanilang panunuot (4). Maaring totoo naman ito kung ihahalintulad ito kung papaano nagkakaroon ng impresyon at ideya ang isang tao mula sa panlabas na anyo at kasuotan ng isang tao (Pete, mula kay Levy & Deck 4). Isa din itong mahalagang parte sa pakikipag ugnayan sa pang araw-araw sa lipunan, na naging isa itong napakatagal na alalahanin ng maraming eskwelahan at mga burukrasya ng edukasyon (Meadmore & Symes 174). Ang uniporme sa eskwelahan, maski sa ano mang antas, ay pinapaniwala ang sinisimbolo sa mga opsiyal, mga magulang at sa komunidad ang isang kapaligigiran kung saan ang pagkakaroon ng mataas na layunin, organisasyon at kaligtasan ay pinaprayoridad (Holloman, Lapoint, Alleyne 268). Ayon naman sa Departamento ng Edukasyon sa Estado Undos, ang pagkakaroon ng uniporme sa eskwelahan ay para sa pagpapaayos ng klima sa eskwelahan (mula kay Dacosta 49). Kung saan sa manwal nila nakasaad ang mga benepisyo ng pagtatayo ng uniporme sa eskwelahan, ang patakaran
na ito ay binansagan nilang βisang positibo at malikhaing paraan sa pagbabawas ngproblema sa disiplina at lalo pang patibayin ang kaligstasan sa eskwelahanβ (
49). Ayon naman kay Lopez, may mga naniniwala naman na ang uniporme sa eskwelahan ay nakapagbibigay ng isang maayos na kapaligiran kung saan matututo ng maayos ang mga mag-aaral (mula kay Reed 5). Isa pa dito naipapakita sa ilang pananaliksik na sa pamamagitan ng pag-gawa ng isang ligtas at may disiplinang paaralan, napapalawak at napapahusay ang mga estudyante sa pagkakaroon ng isang mataas na layunin tungo sapag-aaral at nagkakaroon ng disiplina sa sarili. Ayon naman kay Holloman, ang pagkakaroon ng uniporme sa eskwela ay naiiwasan ang mga posibleng krimen at karahasan sa loob ng eskwelahan at nababawasan ang negatibong
peer pressure
sa mga mag-aaral (268). Kaya naman naging mahigpit na ang patakaran ng mga ibang eskwelahan. Ang lahat na mga nabanggit ay mga magandang naidudulot ng
pagkakaroon ng uniporme sa esweklahan at ang mga dahilan na iyon kung bakit nananatili parin ang uniporme sa mga eskwelahan kahit ilang taon na ang lumipas.

Ang kasuotan ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng isang indibidwal. Ito ay nagsisilbing proteksyon ng isang tao mula sa malamig na temperatura at init ng araw. Bukod dito ay maituturing ring materyal na pamprotekta ang kasuotan sa mga insekto at kulisap. Maliban dito, ang kasuotan ay hindi lamang pananggalang para sa ikabubuti ng katawan. Ang mga damit ay ginagamit na rin ngayon bilang isang uri ng pagpapahayag ng damdamin at saloobin ukol sa isang pangyayari. Halimbawa nito ang pagsusuot ng itim na sumasalamin sa pagluluksa o pagkawala ng isang mahal sa buhay. Ang malayang pagsusuot ng damit ay maituturing rin na nagpapahayag ng pagiging malikhain sa kadahilanang ito ay nagiging disenyo ng katawan.Bawat lahi at lugar ay may naangkop na kasuotan na nababagay na suotin. Kung minsan nga ay na-aayon ang kasuotan sa kultura at paniniwala ng isang pamayanan. Ang bawat bahagi ng pamayanan ay may nababagay na kasuotan. Halimbawa na nito ang modestong pananamit ng mga babaeng Muslim na nangangahulugan ng
deskripsyon ng babae kung sya ba ay may
asawa, dalaga o balo na. Higit pa roon, ang ganitong klase ng pananamit ay maituturing na banal at kaaya-aya base sa kanilang paniniwala at relihiyon. Ganoon rin naman pagdating sa mga paaralan. ay maituturing rin na pagkakakilanlan ang unipormeng suot ng mga estudyante nito, na sya namang nagbibigay
Ng parte ng deskripsyon ukol sa disiplina at kaayusan ng mga ito.
Sa madaling salita ang uniporme ang opisyal na kasuotan ng mga estudyante pagkat sila ay nagiging pantay-pantay, disiplinado, maayos, napapalayo sa gulo at naihahanda ang sarili at isip sa pag-aaral.
